HANOI - Hindi nasustina ni flyweight Alice Kate Aparri ang magandang panimula ng kababayang si Annie Albania nang lasapin nito ang 8-2 kabiguan kay Jin Mei Lin ng China sa ikalawang araw ng women’s boxing sa 3rd Asian Indoor Games sa Bac Ninh Gymnasium.
Nabigo si Aparri na masundan ang istilo ng Intsik sa loob at labas upang maging unang biktima sa five-women RP team.
Naungusan ni Lin si Aparri sa lahat ng apat na rounds ng makaiskor ang Pinay ng isang puntos lamang sa second at fourth round.
Umakyat din sa ring ang 17 anyos na si Nesthy Petecio noong gabi ding iyon kontra sa Thai na si Tassamalee Thong Jan sa featherweight division na kapag nanalo ay magsisi-guro sa kanya ng bronze medal.
Si Mitchel Martinez ang unang nakasiguro ng bronze medal ng bansa ay magtatangkang manalo para sa finals seat kontra kay Vui Nguyen Thi sa November 2.
Ibinigay naman ni Albania ang magandang panimula para sa bansa sa pamamagitan ng 15-5 decision kay Na Zhai ng Kazakhstan ay magtatangka ng awtomatikong bronze kasama si pinweight Josie Gabuco.
Magdedebut si Gabuco sa 46 kilogram division laban kay Weng Chan Chao ng Macau.
Sa Ho Chi Minh City, malaki ang tsansang masungkit ang unang ginto sa bowling event na ginaganap sa Superbowl.
Sasabak sa aksiyon sina dating world champion Biboy Rivera, Asian Championships gold me-dalist Chester King at Raoul Miranda at Jonas Baltazar men’s singles ngayon.
Samantala ang kababaihan naman na binubuo nina Liza Del Rosario, Kriizziah Lyn Tabora, Kimberly Lao at Maria Lourdes Arles ay magpapagulong din ngayon sa women’s singles.
Ang bansa ay nakapagsubi ng gintong medalya sa 2005 Bangkok at 2007 Macau edition at may kabuuang 2 golds, 2 silvers at 5 bronze medals sa bulsa.