^

PSN Palaro

17th NCAA Juniors title asinta ng San Beda pabaon kay Badolato

-

MANILA, Philippines - Ngayon na ang pinakahihintay na araw!

Sa labanang winner-take-all, maglalaban ang San Beda at Letran para sa NCAA juniors basketball crown sa The Arena sa San Juan City upang tapusin na ang lahat.

Nakapuwesto sa pag-sweep ng titulo, inunahan ng Mendiola-based squad ang best-of-three series sa pamamagitan ng 98-75. Ngunit hindi pumayag ang Squires at binalikan nila ang Red Cubs sa pagtutulungan nina Jarelan Tampus at Glenn Khobuntin para itabla ang serye sa 1-1 sa pamamagitan ng 83-80 panalo sa Game Two.

Ang laban ay nakatakda ngayong alas-2 ng hapon kung saan inaasinta ng Red Cubs na maipabaon kay coach Ato Badolato ang kanilang ika-17th titulo sa kanyang pagreretiro.

Sa kabilang dako,ika-11th titulo naman ang tinutumbok ng Letran.

Si Badolato, na gumiya sa koponan sa 15 titulo ay magre-retiro matapos ang season.

“This would be my last season because I want to concentrate on my job as San Beda athletic director and relax a bit,” ani Badolato. “But I will still be around to give the team advice and help in other ways.”

Mainit ang kamay, bumandera si Tampus ng 28 puntos na sinamahan ng 14 rebounds, five assists, 1 steal at block habang nag-ambag naman si Khobuntin, na hindi alintana ang nananakit na sakong, ng 22 points at 15 rebounds sa nagpanablang panalo ng Squires noong Sabado.

Markado din si Archie Iñigo, na tumirada ng tres may 5.8 segundo ang nalalabi na bumasag sa 80-all pagtatabla at nagbigay ng panalo sa Letran.

Nagpasabog din si Baser Amer na series high na 39 puntos at humatak ng limang rebounds, 5 assists at dalawang steals ngunit natabunan ito ng 12 turnovers para sa San Beda. (SNF)

ARCHIE I

ATO BADOLATO

BASER AMER

BUT I

GAME TWO

GLENN KHOBUNTIN

JARELAN TAMPUS

LETRAN

RED CUBS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with