^

PSN Palaro

Squires humirit ng do-or-die

-

MANILA, Philippines - Para sa aksiyon sa juniors, matindi ang kapit sa hangarin, nailusot ng Letran ang 83-80 panalo kontra San Beda upang ipwersa ang winner take all game sa Huwebes.

Sumandig sa kasipagan nina Jerelan Tampus at Glenn Khobuntin, hindi na pinakawalan ng dalawa ang pagkakataong masingitan ang kalaban at ibangon ang Letran sa huling saglit.

 Sa kabuuan, tumipa ng 28 points, 14 rebounds, 5 assists, steal at isang block si Tampus habang binalewala naman ni Khobuntin ang sprained ankle sa pagkolekta nito ng 22 points at 15 boards para sa Squires. 

 Bagamat nakapagre-histro lamang ng 10 points, ang pagkana ni Archie Inigo ang pinakamalaking puntos na bumasag sa 80 all sa hu-ling 5.8 segundong nalalabi sa laro.

 Hindi na nagawang dumiskarte ng Cubs kung kaya’t naputol na ang pag-asang maiuwi ang korona kahapon.

 Humugot ng kanyang 39 points, 5 caroms, 5 assets at 2 steals, napunta sa wala ang produksyon ni Baser Amer nang umuwing luhaan ang grupo.

 Namayagpag sa umpisa, 24-11, determinado ang bataan ni San Beda mentor Ato Badolato na maagang ipagkaloob ang kampeonato sa huling taon nito ng paggiya sa koponan.

Subalit nabigo ito nang matambangan ng Letran ang bawat galaw ng kalabang manlalaro.

Dahil dito muling mag-haharap ang dalawa sa sudden death match. (Sarie Nerine Francisco)

ARCHIE INIGO

ATO BADOLATO

BAGAMAT

BASER AMER

DAHIL

GLENN KHOBUNTIN

JERELAN TAMPUS

LETRAN

SAN BEDA

SARIE NERINE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with