MANILA, Philippines - Winalis ng mga pinakawalan na Kenyans, sa pamumuno ng baguhang si Hillary Kimutai Kipchumba, ang men’s at women’s division ng 42K First Quezon City International Marathon na nagtapos sa Quezon Memorial Circle kahapon.
Tumakbo sa maulap na kalangitan, naging memorable ang unang full marathon appearance ng 22 anyos na si Kipchumba nang lagpasan nito ang pre-favorite na si Daniel Koringo na lumasap ng hamstring injury may 3K pa ang tatakbuhin at maghari sa karera at iuwi ang P300,000 premyo.
Pumangalawa at pumangatlo ang mga kababayang sina Samuel Tarus Too at Daniel Chirchir para sa P200,000 at P100,000 sa karerang handog ng San Miguel Corporation, Philippine Star, New San Jose Builders, GMA Network, Puregold, Ayala Land, Robinson’s Land at Shoemart.
Ikalima lamang ang Pinoy na nagkampeon sa Milo Marathon noong nakaraang linggo na si Cresenciano Sabal at maibulsa ang P150,000 premyo bilang pinakamahusay na local finisher.
Sa kababaihan naman naisubi ni Aileen Tolentino ang P150,00 bilang pinakamahusay na Pinay sa karerang nagsilbing grand climax sa ika-70th founding anniversary celebration.
Personal na iginawad ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte ang mga premyo at tropeo sa mga nagwagi.