^

PSN Palaro

UST sinakmal ang quarterfinals

-

MANILA, Philippines - Pinatatag ng University of Santo Tomas ang pagku-krus ng kanilang landas ng Ateneo OraCare na kapwa may malinis na baraha, makaraang payukurin ng Tigresses ang inaalat na University of the Phils., 25-15, 25-19, 25-15, upang angkinin ang unang quarterfinal berth sa Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena, San Juan City.

Bagamat lumapit sa ikalawang set, hindi natinag ang matatag na depensa ng Lady Tigresses nang dominahin ni Angeli Tabaquero sa laban sa pamamagitan ng kanyang 11 atake, 2 blocks at 2 service points.

Sumubok ng panibagong kombinasyon, na-ging epektibo ang pagsugal ni UST coach Cesael delos Santos sa estratehiya upang humakbang sa susunod na round ng walang bahid na kasawian, 4-0 baraha.

Tumipa ng 8 kills, tumulong si skipper Aiza Maizo na ipinagkait sa Lady Maroons ang panalo. Nagrehistro rin ng tig 8 points sina Hanna Mance at rookie Maruja Banaticla para sa España- based squad.

Gayundin, naging produktibo sina Maika Ortiz, Rhea Dimaculangan, Judy Ann Caballejo, Denise Santiago at guest player Roxanne Pimentel na pumalo ng kabuuang 17 points.

Dahil dito, tuluyan nang nalaglag ang Lady Maroons sa hulihan, 0-4, at nanga-ngailangang maipanalo ang huling tatlong laban upang mapanatili ang tiket sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza.

Sa ikalawang laro, humatak ng 25-18, 21-25, 25-20, 25-19 panalo ang Far Eastern University laban sa Adamson University upang makuha ang solong ikatlong posisyon na may 2-1 baraha. (SNFrancisco)

ADAMSON UNIVERSITY

AIZA MAIZO

ANGELI TABAQUERO

DENISE SANTIAGO

FAR EASTERN UNIVERSITY

HANNA MANCE

JUDY ANN CABALLEJO

LADY MAROONS

LADY TIGRESSES

MAIKA ORTIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with