^

PSN Palaro

4th straight win target ng UST

-

MANILA, Philippines - Ilista ang ikaapat na sunod na panalo at katatagan sa liderato ang puntirya ng University of Santo Tomas sa kanilang pakikipagtipan sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Shakey’s V-League Season 6 second conference sa The Arena sa San Juan City.

Kahapon, galing ang Tigresses sa 25-20, 25-21, 25-19 pamamayani kontra sa Lyceum para sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay sa Blue Eagle Gym.

Ipinamalas ang husay sa paglista ng 12 puntos, naging sapat na suporta ito ni Angeli Tabaquero sa kanyang koponan bukod pa sa tulong ng kanyang mga kakampi upang tuluyang payukurin ang Lady Pirates.

Bunga ng kanilang 3-0 marka, lumapit ang UST sa pagpasok sa quarterfinals at Final Four bago tuluyang walisin ang dalawang kumperensiya ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza.

Makikipagtipan ang Tigresses sa Lady Maroons ngayong alas-2 ng hapon sa torneong inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare sa The Arena.

Ito ay agad susundan naman ng bakbakan ng Adamson University, na bumangon mula sa opening day na kabiguan, kontra sa Far Eastern University sa alas-4 ng hapon.

Samantala, live na mapapanood ang mga laban sa webcast sa www.v-league.ph at delayed telecast sa NBN-4. Mapapanood nga-yong alas-2 ng hapon ang duelo ng UST-Lyceum. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANGELI TABAQUERO

BLUE EAGLE GYM

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

LADY MAROONS

LADY PIRATES

MIGHTY BOND

SAN JUAN CITY

SARIE NERINE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with