MANILA, Philippines - Handa na ang Mindanao sa init ng basketball sa pagbubukas ng 2009 Milo-sponsored Best Center Small Basketeers of the Philippines-Passerelle Mindanao regional finals ngayon hanggang Oct. 18 sa General Santos Gym sa Lagao, General Santos.
Ang tatlong araw na junior basketball action ay mag-iinit sa paghaharap ng mga panguna-hing elementary at high school team sa Mindanao sa Milo Best Center SBP-Passerelle regional finals na naghahangad ng puwesto sa national championships.
Magtatagisan ang mga players mula sa Ateneo de Zamboanga Grade School, Ateneo de Davao Grade School, Xavier University of Cagayan de Oro at Notre Dame ng Dadiangas-IBED ng General Santos ang maglalaban para sa korona ng SBP division.
Inaasahan din ang kapana-panabik na kompetisyon ng mga koponan sa Passerelle division na kinabibilangan ng Ateneo de Zamboanga High School, Ateneo de Davao High School, Xavier University of Cagayan de Oro at Notre Dame of Dadiangas-IBED ng General Santos.