^

PSN Palaro

70% ng handa si Pacquiao

-

MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ni Manny Pacquiao ang 70% niyang kahandaan sa kanyang November 14 na laban kay reigning WBA welterweight champion Miguel Cotto.

Isang araw matapos ang isparing sa Shape-Up Gym sa Baguio City, sinabi ng 30 anyos na Pinoy icon na masaya siya sa nagaganap na training niya ngayon.

“Sa tingin ko ngayon ay nasa 70 percent pa lang ako sa pagkahanda (I think I’m 70 percent ready),” wika ni Pacquiao na nagsasanay sa Baguio City simula pa noong Setyembre 21.

At may 29 araw na lang ang nalalabi bago ang takdang laban, sinabi ni Pacquiao na ang pagiging 70% niyang kahandaan ang dapat gawin dahil hindi dapat umabot ito sa kanyang peak dahil medyo malayo pa ang laban.

“Hindi maganda ‘yon (That won’t be good),” aniya sa posibleng maagang pagpeak o masunog sa sobrang pagsasanay. Noong nakaraang linggo, tumimbang ng 150 lbs si Pacquiao.

At naging sapat na ito para dahan-dahan ngunit sigurado naman na makakaabot sa catchweight na 145 lbs. Sinabi ng isa sa kanyang trainer, na si Nonoy Neri na nasa tamang daan si Pacquiao at maaari itong kumain hanggat gusto habang puspusan namang nagsasanay. (Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

BAGUIO CITY

IDINEKLARA

ISANG

MIGUEL COTTO

NONOY NERI

NOONG

PACQUIAO

SHAPE-UP GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with