RP-Patriots ginapi ang Indons
JAKARTA, Indonesia -- Itinala ng Philippine Patriots ang unang panalo noong Sabado sa Britama Arena dito matapos igupo ang Indonesian club Satria Muda Britama, 76-69 sa ASEAN Basketball League.
Nagtala si Robert Wainwright ng dalawang mahahalagang basket, una ay ang three-pointer para sa unang basket sa liga at isang tres na naging susi sa panalo ng Patriots.
Kapwa nangangapa ang magkabilang panig sa laro kaya naging dikitan ang labanan sa first half na natapos sa 33-32 pabor sa mga Pinoy.
Nag-init ang Philippine Patriots sa ikalawang bahagi ng labanan at lumayo ng hanggang 13 puntos sa 67-54, sa final frame bago naghabol ang Satria Muda sa triple ni Filipino guard Rensy Bajar at apat na sunod ng local na si Julius Faisal na naglapit sa Indons sa 67-70, 40.8 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Winakasan nina Warren Ybañez at Froilan Baguion ang paghahabol ng kalaban sa pagpukol ng tres at nagpakawala ng basket si Brandon Powell bilang insurance basket para sa iskor na 75-67.
Umiskor si Powell ng 18 points bukod pa sa mahusay na pagdedepensa kay Hartman na nalimitahan sa 13 at tumapos si Wainright ng 15 at tumapos naman si Dixon ng 11 points.
Pinangunahan ni Faisal ang Indons side sa kanyang 16 points habang nagtala ng 13 si import Theo Little
Nagtala naman si Bajar, na nakipaggirian sa kanyang mga kababayang Pinoy player dahil sa pisikal na laro ng 11-puntos.
RP Patriots 76 – Powell 18, Wainwright 15, Dixon 11, Baguion 8, Sta. Maria 6, Coronel 5, Ibanez 4, Gaco 4, Andaya 4, Mirza 1, Mondragon 0, Ricafuente 0.
Indonesia 69 – Achmed 16, Hartman 13, Little 12, Bajar 11, Prihantono 6, Sitepu 4,Sondakh 4, Gunawan 3, Wijaya 0, Seregar 0, Sitomorang 0.
Quarterscores: 10-12; 33-32; 56-46; 76-69.
- Latest
- Trending