Milo Marathon National Finals tumatanggap pa ng nais magpalista

MANILA, Philippines - Ang pagpapalista para sa side events ng 33rd National Milo Marathon Finals na gaganapin sa Quirino Grandstand ay magtatapos na ngayon.

Ito ang inihayag ni Rudy Biscocho, National MILO Marathon organizer, na idinagdag din na ang 42.195 Km finale ay tatampukan ng 237 runners na nakapasa sa qualifying standard mula sa 26 elimination races mula Pebrero hanggang Setyembre.

Ang mga kuwalipikadong tumakbo sa full marathon sa linggo ay ang may naitalang apat na oras para sa mga kalalakihan at 4:30 naman sa kababaihan sa Metro Manila eliminations na ginanap noong July 5 at ang may inilistang 1:15 para sa lalake at 1:45 naman sa babae sa eliminations na ginanap sa mga probinsiya.

Inaanyayahan ang lahat ng qualifiers para sa carbo-loading party mamayang gabi , Oktubre 8 sa North Greenhills Club house sa San Juan City kung saan ipamamahagi din ang race packets at 42K race uniforms sa karerang hatid sa pakikipagtambalan ng Bayview Park Hotel-Manila, Department of Tourism, Gatorade at Nestle Pure Life.

Samantala, maaari nang bisitahin ng mga running enthusiasts ang multi-site registration areas upang magparehistro sa National Finals. Ito ay matatagpuan sa Annapolis Greenhills (7279987) Mizuno The Fort, Mizuno Trinoma at Planet Sports sa Rockwell.

Show comments