^

PSN Palaro

Ika-16th UAAP Jrs. title asinta ng Eaglets

-

MANILA, Philippines - Mainit ang mata sa pagkubra ng panalo, sisikapin ng reigning champion Ateneo na ipako ang korona habang hahagilapin naman ng karibal na La Salle na makaabot sa winner take all showdown sa nakatakdang duelo ng dalawa sa Game 2 ng best of three title series ng 72nd UAAP junior basketball tournament sa The Arena, San Juan City.   

Nagbida sa kanyang 33 points kabilang ang 15 produksyon sa fourth quarter, nasutinihan ni Kiefer Ravena, anak ng dating PBA star na si Bong Ravena, ang pag-arangkada ng Eaglets subalit nanghina sa huling bahagi dahil sa pambihirang opensa na pinakita ng Ateneo para dominahin ang laban, 80-73.

Sa pagbibigay ng masusing tulong, naitawid ni Big Boy Al Bugarin ang intensyong tagumpay sa pagtipa ng 10 points at 14 rebounds kabilang ang 8 points sa opensiba.

Nagtala naman ng 18 points at 10 rebounds si Nico Elorde habang nagrehistro ng 15 points at 12 boards si Gwyne Capacio at 12 points, 9 rebounds, 6 blocks para kay Arnold Van Opstal subalit kinapos pa rin ang pwersang ito ng Junior Archers para pigilan si Ravena.

Puntirya ang 16th championship title, babantayan ng tropa ni coach Jamike Jarin ang diskarteng ilalapat ng DLSU.

Samantala, susuong sa isang matinding bakbakan ang Adamson sa pakikipaghamunan nito sa three peat titlist Far Eastern University sa pang-alas kwatrong laban, matapos ang bakbakang Ateneo-La Salle sa ganap na alas dos ng hapon.

Sumandig sa magilas na performance ni Katherine Sandel na nagtrangko ng 5 assists at 4 boards, naipanalo ng Lady Falcons ang laban kontra Lady Tams, 58-51 sa Game 1 na siyang lalong nagpatindi sa pag-asang pagreynahan ang liga.

Tanging ang Santo Tomas Tigress at State U Lady Maroons ang may magandang pinangangalagaang 11 at 7 titulo, ayon sa pagkakasunod. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ARNOLD VAN OPSTAL

ATENEO

ATENEO-LA SALLE

BIG BOY AL BUGARIN

BONG RAVENA

FAR EASTERN UNIVERSITY

GWYNE CAPACIO

JAMIKE JARIN

JUNIOR ARCHERS

KATHERINE SANDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with