^

PSN Palaro

CSB chess players yuko sa Knights

-

MANILA, Philippines - Bumangon mula sa pagkakalugmok, bumalikwas ang Letran sa pamamagitan ng paggapi sa College of St. Benilde upang masikwat ang seniors’ title sa kabila ng pamamayagpag ng San Sebastian College sa unang bahagi at paghahari nito sa juniors division ng 85th NCAA chess competition na ginanap sa SM Manila.

Bumawi sina Chester Brian Guerrero at Jesus Benjamin Lising para iangat ang Letran at ungusan sina Jimson Bitoon at Andrew Delfin na may 1 at 4 sa boards, ayon sa pagkakasunod, para ipwersa ang two-all deadlock. Subalit ang pagkapanalo ni Guerrero kontra kay Bitoon ang naging susi para basagin ang tie base sa “board on tiebreak rule”.

Dahil sa panalong ito, naging matamis ang tagumpay para sa Letran nang madaig nito ang Blazers na may 4-0 baraha. Samantala, nakumpleto ng San Sebastian ang magandang rekord nang gulantangin nito ang last year’s junior’ titlist Letran, 3-1 para iuwi ang korona para sa high school division. Nagbida para sa tagumpay si Arvie Jongko na nagselyo ng panalo nang patumbahin si Woman National Master Cherry Ann Mejia sa board 2.

Naisahan rin nina Kristian Paolo at John Mark Dimalawat sina Mikee Charlene Coronel at Christian Dave Cabida sa boards 3 at 4 upang itala ang pananaig, habang nagningnig si WNM Jan Jodilyn Fronda nang padapain si Aldous Coronel sa board 1 na nagpatalsik sa dating kampeon.

Kinuha ni Jan Nigel Galan ng CSB-La Salle Greenhills High School (LSGH) ang gintong me-dalya sa board 1 ng NCAA junior division.

Sa ilalim ng superbisyon ni head coach NM Erwin Cara, nasungkit ng LSGHS ang over-all third para sa bronze medal nang lumuhod sa Letran Squires sa cross-over semifinal round.Habang inokupa naman ng University of Perpetual Help System Dalta ni coach Ferdie Reyes ang over all fourth matapos lampasuhin ang champion Staglets sa Final Four. (SNFrancisco)

ALDOUS CORONEL

ANDREW DELFIN

ARVIE JONGKO

CHESTER BRIAN GUERRERO

CHRISTIAN DAVE CABIDA

COLLEGE OF ST. BENILDE

ERWIN CARA

FERDIE REYES

LETRAN

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with