^

PSN Palaro

Lady Stags, Lady Knights lumapit sa semis

-

MANILA, Philippines - Sa women’s volleyball, kinamkam ang panalo sa magkahiwalay na asignatura, namayani ang kapangyarihan ng defending champion na San Sebastian at Letran nang padapain ang Angeles U Foundation at Arellano U Lady Chiefs para lumapit sa semifinal berth ng women’s division ng 85th NCAA volleyball tournament sa Emilio Aguinaldo College Gym.

Humampas para sa 25-14, 25-10, 25-13, napaganda ng San Sebastian belles ang kanilang baraha, habang nailusot naman ng Lady Knights ang isang dikdikang laban nang tapusin ang kalaban sa pamamagitan ng 25-15, 25-23, 25-23 para kapwa makisosyo sa four way logjam sa tuktok kasama ang Perpetual Help at St. Benilde.

Sa men’s division, naipag-higanti ng Arellano ang mga kabatak na babae nang ilampaso ang Letran, 27-25, 15-25, 25-12 para ilagay ang Knights sa bingit ng alanganin dahil sa taglay na 2-4 kartada.

Ang aksyon naman sa juniors ay patuloy na umiinit nang durugin ng reigning champion San Sebastian ang AUF, 25-20, 17-25, 19-25, 20-18 upang humanay sa Perpetual Help na may perpektong baraha habang tinalo rin ng Letran ang Arellano 25-18, 25-9, 25-3. (SNF)

ANGELES U FOUNDATION

ARELLANO

ARELLANO U LADY CHIEFS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

HUMAMPAS

LADY KNIGHTS

LETRAN

PERPETUAL HELP

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with