Pagkatapos ng laban kay Cotto, $20 million ang kikitain: Pacquiao bilyunaryo na!
SAN JUAN, Puerto Rico – Magiging bilyunaryo na si Manny Pacquiao pagkatapos ng laban niya kontra kay Miguel Cotto sa November.
Ayon sa kanyang promoter, ang legendary na si Bob Arum ng Top Rank, na bagamat ang guaranteed purse ni Pacquiao sa nalalapit na laban ay $13 million, ang kanyang kabuuang kikitain kapag pumasok na lahat ay aabot sa $20 million.
“He could get as much as $20 million for this fight,” sabi ng promoter sa New York Times main office kung saan nakipag-meeting ng 45-minuto si Pacquiao sa mga miyembro ng NY Times sports staff.
Hinarap ni Pacquiao ang sports editor na si Tom Jolly, ang mga writers na sina Greg Bishop at Naila Cuento Myers, na nagsabing ang kanyang Nanay ay Pinay mula sa Laguna, inurirat ang kanyang mga plano ‘on and off the ring’ pati na rin sa pulitika.
Tinanong si Pacquiao kung paano siya nagsimula ng boxing at sinabi ng Filipino icon na nakita niyang ang boxing ang magsasalba ng kanyang pamilya na mahirap at halos walang makain.
“Naalala ko ang una kong laban bilang professional, 16 years old lang ako noon (nanalo kay Edmund Enting Ignacio noong Jan. 22, 1995 sa Mindoro Oriental), binayaran ako ng isang libo ($20),” ani Pacquiao sa english.
Naging interesado ang New York Times sa kuwento ng buhay ni Pacquiao. At binanggit ni Arum ang kikitain ni Pacquiao sa kanyang laban kontra kay Cotto na posibleng umabot sa $20 million.
Kumita si Pacquiao ng tinatayang $15 million sa bawat isa sa kanyang huling dalawang laban kontra kina Oscar dela Hoya at Ricky Hatton.
Katabi ng sports editor ang trainer na si Freddie Roach, at may dalawang upuan ang layo ni Pacquiao at siya ang nagtatanong. Si Bishop (kumukober ng New York Jets para sa New York Times) ang nagno-notes.
Tinanong si Pacquiao ng kanyang political plans, at sinabi niyang hindi siya uurong sa ikalawang pagtatangka nito. Matapos mabigo noong 2007 sa congressional seat sa kanyang probinsiya sa Saranggani, Mindanao.
“Gusto kong tumulong sa tao yung mga nahihirapan. Nalaman kong hindi madali (tumakbo sa eleksiyon). Parang sa boxing, kailangan mo maghanda,” ani Pacquiao.
“There’s some simila-rization in promoting a fight and running for office,” ani Jolly, na may 75 tao sa New York Times sports section na binabantayan. “But do you plan to keep on fighting even if you win in the elections?”
“Yeah,” sagot ni Pacquiao at sumabat si Arum “That’s part of the deal.”
Sinabi ni Pacquiao na hangad niya ang ikapitong world title sa iba’t ibang weight classes, ngunit hanggang doon na lang. Tinanong siya kung ilan pang laban ang plano niya. “I don’t know. It’s up to him (Arum).”
- Latest
- Trending