MANILA, Philippines - Binuhat ang koponan, naging instrumento si Reil Cervantes para isilid ng Far Eastern University ang panalo sa isang krusyal na laban kontra La Salle sa kabila ng kawalan ng dalawang kaalyado sanhi ng injury.
“Kulang kami ng mga malalaki kaya kailangan kong magstep-up,” pahayag ni Cervantes na humalili kina Jaymo Eguilos at Cameroonian Pipo Noundou.
Hindi man naging masyadong epektibo pagdating sa scoring, lumutang naman ang husay ng 6’5” na si Cervantes nang higpitan ang opensiba sa engkwentro sa La Salle kung saan nagawa nitong habulin ang 11 point deficit sa unang bahagi at tuldukan ang karera ng Green Archers sa pamamagitan ng overtime 71-69.
Sa loob ng 24 na minuto, humataw si Cervantes para irehistro ang personal season high na 20 points para pagkalooban ng twice to beat incentive ang Tamaraws. (SNFrancisco)