FEU asam ang twice-to-beat
MANILA, Philippines - Pagtutulungan para maangkin ang twice-to-beat incentive at maisalba ang sarili sa liga, ilalabas ng Far Eastern University ang buong pwersa para gapiin ang naghahangad na La Salle sa tampok na laro ngayon sa 72nd UAAP basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Sariwa pa mula sa isang ma-tagumpay na hamon, pinagha-handaan ng Tams ang opensa ng Archers na nagbuhat sa isang pukpukang engkwentro kontra University of Santo Tomas kung saan napana ng DLSU ang panalo, 68-64 na nagbigay tsansa sa alipores ni Franz Pumaren sa Final Four.
Subalit handa sa giyera, lalapapatan ng matitikas na estratehiya ni FEU coach Glenn Capacio ang naturang laban para iligaw sa kawalan ang La Salle.
“We expect La Salle to come out strong and go all out for a win so I hope we’ll be ready for them,” aniya.
Samantala, bilang bonus, sasakupin ng University of the East ang napatalsik nang National University para ipilit ang play-off sa No. 2 spot at twice to beat advantage.
Layon ng UE na isumite ang panalo sa bakbakan laban sa NU na may 2-10 baraha at isunod ang UST para mahagip ang natu-rang twice to beat incentive.
“What we need to do is to try win our last two games and see what happens,” pahayag ni Lawrence Chongson na nagbitbit sa Recto based squad sa eight staright post season appearance nito. Siguradong sasandal ang buong tropa ng UE sa kalibre ni RR Garcia na tumipa ng 21 points sa laban nito kamakailan. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending