Maraming NSAs ang apektado sa pagtanggal sa military-athletes
MANILA, Philippines - Umaasa ang mga apektadong National Sports Associations (NSA)s na ikukunsidera ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang apela ukol sa pagtatanggal sa mga military-athletes.
Sinabi kahapon ni Nestor Ilagan, ang secretary-general ng traditional boat race association, na malaking epekto sa magi-ging kampanya ng bansa sa 2010 Asian Games ang naturang patakaran ng PSC.
"Sana i-reconsider nila, especially sa mga synchronized sports kagaya ng traditional boat race dahil medyo mahahaba ang training ng mga iyan eh," ani Ilagan.
Nagsimula na ngayong Setyembre ang direktiba ng sports commission, nasa ilalim ni chairman Harry Angping, sa mga NSAs na pabalikin na sa kani-kanilang mother units ang mga military-athletes.
Kabuuang 55 athletes at 11 coaches ang inutusan na ng PSC na magbalik sa kani-kanilang mother units sa Philippine Air Force, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine National Police at Philippine Coast Guard.
"Sa mga nakausap kong mga NSAs, ganoon din ang sentiments nila. Sa training for the 2012 Asian Games, talagang wala tayong aasahan kapag wala tayong mga atleta," wika ni Ilagan.
Para makabalik sa kani-kanilang sports associations, kailangang makapagpakita ng maganda ang mga military-athlete sa AFP Olympics na nakatakda sa Oktubre 12 sa Camp Aguinaldo, Camp Crame at Camp Bonifacio.
Sa men's softball team, halos 18 atleta ang nabawas, habang 13 naman sa traditional boat race, siyam sa baseball, tig-apat sa rowing, sailing at cycling, dalawa sa triathlon at isa sa volleyball. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending