MANILA, Philippines - Gusto ni Roach na sinuman ang mananalo sa laban nina Mayweather at Manuel Marquez ay siyang susunod na sasagupain ni Manny Pacquiao ayon sa fighthype.com
“I like Mayweather and I like Marquez. I wish them both the best. I hope the fight really turns out well for both of them. But I would definitely want the winner.
Ang totoo, gustong-gusto ni Roach na makalaban ni Pacquiao si Mayweather.
“I hear Mayweather is not looking that great,” pahayag ni Roach.
Na marahil siyang dahilan kaya gusto niyang makalaban ito ni Pacquiao.
Napabalitang nasangkot sa krimen si Mayweather kaya wala ito sa kondisyon dahil marami itong hinaharap na kaso.
Bagamat madami ang maiintriga sa pakikipagharap ni Pacquiao kay Marquez sa ikatlong pagkakataon, mas maraming masasabik sa kanilang laban ni Mayweather.
Si Mayweather ay undefeated at kinokonsiderang best pound-for pound boxer noon bago magretiro at si Pacquiao ang pinakamainit na boxer ngayon.
Hindi naman impress si Roach sa Mayweather-Marquez match-up na magaganap sa September 19. Aniya’y hindi sila magka-match.
Nasasabik si Roach sa nalalapit na laban ni Pacquiao kay Miguel Angel Cotto ngunit naiinis ito dahil hindi pa niya nakakausap si Pacman na busy pa sa kanyang showbiz career.
Naghihintay lamang si Roach kay Pacquiao kung kailan magsisimula ng training para sa kanyang November 14 bout. (Mae Balbuena)