Chiefs, Knights lumakas ang tsansa sa Final Four

MANILA, Philippines - Naghahanda para sa importante nilang pagtatagpo, humatak ng panalo ang Letran at Arellano University sa kani-kanilang kalaban para panatilihing buhay ang tsansa sa Final Four ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Bumangon sa 15 puntos na pagkakabaon, nanalasa ang Knights upang pigilan ang Mapua Institute, 70-65 habang malakas naman ang na-ging panimula ng Chiefs para payukurin ang Ange-les U Foundation, 84-69 para sa magkatulad nilang 7-4 baraha at magtabla sa ikaapat na posisyon.

At bunga ng kani-kanilang tagumpay, maghihiwalay sila sa isang importanteng laban sa Biyernes.

"The team's goal is to make the Final Four. If we're to make it there, we have to beat Arellano. They will be a big test for us Friday," pahayag ni Letran coach Louie Alas.

"This game is a good preparation for Letran Friday. Good thing, we got our streak going, giving us the momentum to ride on as we go up against Letran in a critical game," anaman ni Arellano coach Junjie Ablan.

At dahil naman sa ka-biguang nalasap, kapwa naglaho na ang pag-asa ng Mapua at AUF para sa semis sa pagtanggap nila ng ikasampung kabiguan.

Mula sa paghahabol sa unang bahagi ng laban, nagtulung-tulong sina Rey Guevarra, Rafael Jazul at Kevin Alas upang padi-ngasin ang pagbalikwas, sa kanilang painagsamang 29 puntos sa ikalawang bahagi ng laro.

Tumirada ng 10 puntos sa kanyang game-high na 18 puntos si Guevarra sa ikatlong yugto na siyang hudyat ng eksplosibong atake ng Knights para sa 53-51 pagbawi mula sa 30-45 na pagkakabaon.

Pinalobo pa ng Knights ang kanilang bentahe sa walong puntos, 61-53 bago pinutol ang pagbangon ng Cardinals para tuluyang tapusin ang laban.

"I think going on a single defensive coverage in the final half was the key adjustment we made in the game," ani Alas.

Depensa naman ang pinakamahusay na sandata ng Chiefs laban sa Great Danes.

“The game plan was to simply to press them, knowing they’re not good on breaking pressing defense. I think we’re able to do what we wanted to,” ani Ablan. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments