Ikatlong titulo sa Villar Cup asam nina Gomez at Luat
MANILA, Philippines - Hangad nina Roberto Gomez at Rodolfo Luat na maging unang three-time champion ng The Manny Villar Cup, sa pagsargo ng ika-10th edition ng island-hopping series bukas sa Activity Center ng NCC Mall sa Davao City.
Hangad ding maulit ni Gomez, ang 2007 World Pool Championship runner-up, ang kanyang tagumpay sa Kadayawan leg ng event na hatid ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports ni Senator Manny Villar at sponsored ng Camella Communities.
Si Gomez ang naging unang double winner ng Villar Cup nang pamunuan nito ang Isabela leg noong March.
Pinarisan ito ni Rodolfo Luat, noong nakaraang buwan lamang nang masundan niya ang panalo sa Bacolod leg noong November 2008 sa pamamagitan ng tagumpay sa Iloilo leg.
Inaasahang magiging mabigat ang hamon para kina Gomez at Luat laban sa mga world-class Filipino cue artists sa pamumuno ni pool icon Efren “Bata” Reyes.
Bukod kay Reyes, ang iba pang topnotch pool masters na kalahok sa event na coorganized ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines ay sina former world champion Ronnie Alcano, former world no.1 Dennis Orcollo and former leg winners Warren Kiamco (Alabang), Ramil Gallego (Bulacan), Francisco “Django” Bustamante (Baguio-Panagbenga), Lee Van Corteza (Calabarzon) at Valle (Cebu).
- Latest
- Trending