MANILA, Philippines - Dahil sa natuklasang paraan ng Far Eastern University, matagumpay nitong naigupo ang Santo Tomas, 90-63 para itala ang tabladong marka sa reigning champion Ateneo sa tuktok ng 72nd UAAP basketball tournament na ginanap sa Big Dome.
Umarangkada si Aldrech Ramos sa pamamagitan ng kanyang career high 22 points, kasama ang 17 points marka sa first half, ang naging pangunahing sandata ng Tomas kontra UST, subalit ang maigting na depensa ng Tams ang tuluyang gumiba sa mapanlinlang na kalibre nina Dylan Ababou at Khasim Mirza.
“We really concentrated on our defense against Ababou and Mirza, that was the key,” ani FEU coach Glen Capacio.
Bumandera sa kanyang 10 point barrage, nangningning ang husay ng 6’6 beteranong Smart Gilas player na si Ramos na naglista ng career score na 13 rebounds, 2 steals at 2 blocks na nagsing susi sa pagselyo ng FEU sa ikalima nitong tagumpay.
Sa isa pang laro, sumandal sa likod ni Rudy Lingganay, naungusan ng University of the East ang State U, 77-69 sa limang minutong ekstensyon upang mapaganda ang hawak na kartada, 4-2.
Kumamada ng 16 points kabilang ang 5 points sa overtime, nang umeskapo ang Warriors sa mahigpit na depensa ng Maroons.
Sa regulation period, sa pamamagitan ng 15 points, 8 boards at 2 blocks, nailusot ni Elmer Espiritu sa libreng si Val Acuna para tumirada ng tres at makakuha ng ekstrang oras upang ipwersa ang panalo.
Nauna rito, napatawan ng one game suspension sina Ababou at Camus ng UST at Jovet Mendoza ng La Salle matapos matawagan ng technical.
“The technical committee was tasked by the board to clarify things from commissioner (Joe) Lipa, we were not task to make a decision,” anang league technical group chair Fr. Ermito de Sagon, OP, ng UST.
Sa pananaw ng komite ng liga, ibang kaso ang nangyari sa tatlong manlalaro. Bagamat sinabi ng board na hindi sila sususpindehin, nakita sa mga replays ang gitgitan ng tatlo na nagpapakawala pa ng mga suntok sa iba’t ibang insidente. Subalit taliwas sa nararapat mangyari, hindi naitapon sa laro sina Ababou, Camus at Mendoza.
“We think there’s some inconsistencies, that’s the reason why the board said there’s no suspension. “The basketball games are played accordingly as cleanly as possible. The UAAP, after all, frowns on unsportsmanlike behavior and we stick to that. But we would not like things to be decided outside the basketball court. As much as possible the basketball games should be decided on it,” pahayag ni Sagon. (SNF)