Pinoy jins, judokas sibak agad
BANGKOK—Dahil sa pangit na draw, tatlong taekwondo jins agad ang nasibak sanhi ng makulimlim na simula ng kampanya ng Philippines sa 1st Asian Martial Arts Games kahapon sa Indoor Stadium Huamark dito.
Unang nasibak si 2005 Southeast Asian Games gold medalist John Paul Lizardo na lumasap ng 0-1 decision kay Jae Bong Kim ng Korea sa preliminary ng men’s finweight category.
Natalo rin si Alex Briones sa SEA Games rival na si Dinh Quang Toan ng Vietnam, 0-1, sa preliminary ng men’s heavyweight cate-gory at yumukod naman si Crizobelle Vargas kay Kim Min Jung, 7-0, sa quaterfinals ng women’s finweight category.
Sa judo sa Bangkok Youth Center, maganda ang naging simula ni two-time Olympian John Baylon na nanalo sa kanyang potential SEA Games nemesis na si Johanes Taslim ng Indonesia, sa men’s lightweight category.
Ngunit makalipas ang ilang minuto bumagsak ang 44-gulang na eight-time SEA Games gold medalist kay Chen Yin Wu ng Taipei para samahan ang kababayang si Lloyd Dennis Catipon na nabigo kay Mansour Shaleh ng Syria sa men’s half lightweight category, sa losers’ bracket.
Gayunpaman may pag-asa pa si Baylon na makakuha ng bronze me-dal sa pakikipagharap kay Chi On Ip ng Macau sa repechage kahapon kung saan ang mananalo ay haharap sa kung sino man ang matatalo sa Kazakhstan at Qatar para sa consolation prize.
Hindi sana ganito ang kapalaran ng mga Pinoy jins kung hindi sila natapat agad sa mga bigating kalaban.
- Latest
- Trending