Pinas, host ng World Cup of Pool

MANILA, Philippines - Isang malaking torneo sa isa sa paboritong laro ng mga Pinoy ang masasaksihan ng mga Pinoy sa sariling balwarte.

Malugod na inanunsyo ng Matchroom Sport kahapon ang pag-eksena ng Partycasino.net World Cup of Pool na kabibila-ngan ng dalawang pangunahing grupo sa mundo na maglalaban-laban para sa $250,000 event na gaganapin sa SM City North Edsa, Quezon City sa Sept. 1-6.

Itatampok ang 32 teams mula sa 31 bansa na susugal para sa naturang torneo.

Pursigido ang Pilipinas na makuha ang pangalawang korona sa loob ng 4 na taon matapos ang matagumpay na tandem ng pool legend Efren “Bata” Reyes at former No.1 Francisco “Django” Bustamante na naghari sa inaugurals sa Newport, Wales noong 2006 at Team USA na kasama nina Rodney Morris at Shane Van Boening na siyang defending champion.

“The World Cup of Pool is a great venue for the Filipinos to shine once again in the world of sports. We are honored to be hosting this prestigious event in our country and thrilled that Solar Sports will be part of it,” wika ni Peter Chanliong, COO ng Solar Sports.

Sa pakikipagtulungan ng Matchroom Sport sa Solar Sports, inaasahang mala-king event na magmamarka sa kasaysayan ito.

“This is a fantastic move for the event and everyone - from the staff, players and crew - are delighted to be returning to the hot-bed of world pool,” anang Matchroom Sport chair Barry Hearn. “The level of interest among fans, media and broadcasters in the Philippines has always been off the scale and we are looking forward to a highly successful event,” dagdag pa nito. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments