^

PSN Palaro

Adamson pagbubuntunan ng Ateneo

-

MANILA, Philippines - Ang malaking kahihiyan na kabiguan sa University of the Philippines ang nais ibaon sa limot ng defending champion Ateneo University. At pagbubuntunan nito ang Adamson University sa kanilang pagtitipan sa pagbabalik aksiyon ng 72nd UAAP basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Ang gametime ay ganap na alas-4 ng hapon.

Nasorpresa ang Blue Eagles noong Linggo nang ipalasap ng Maroons ang kanilang kauna-unahang kabiguan, 68-58 at madungisan ang malinis na 3-0 record.

Ang sorpresang ka-biguan ay kauna-unahan din ng Loyola-based school mula ng maitala ng UP ang 69-74 noong Sept. 2 may limang season na ang nakakaraan at una ni coach Norman Black sa kamay ng Maroons sapul nang palitan niya si Joel Banal may apat na taon na ang nakaraan.

Gayunpaman, walang dapat ikabahala si Black na gumiya sa Eagles sa kanilang korona noong nakaraang taon.

Samantala, tangka naman ng De la Salle University na mapalawig sa tatlo ang kanilang panalo sa kanilang pakikipagharap sa nahuhulog na National University sa alas-dos ng hapon. (SNFrancisco)

ADAMSON UNIVERSITY

ARANETA COLISEUM

ATENEO UNIVERSITY

BLUE EAGLES

GAYUNPAMAN

JOEL BANAL

NATIONAL UNIVERSITY

NORMAN BLACK

SALLE UNIVERSITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with