MANILA, Philippines - Nagkasama ang San Miguel Beermen at mga miyembro ng sports media sa 10th San Miguel Beer National Beer Drinking Contest na ginanap nitong nakaraan sa The Cruise Bar and Grill sa San Miguel By The Bay.
Ang naturang kontes ay binuo ng San Miguel Brewery, Inc. (SMB.Inc.) para bigyang pugay ang San Miguel Beermen na nagkampeon sa PBA Fiesta Conference at upang pasalamatan na rin ang mga sports scribes na sumuporta sa kanila.
Sa special contest ng pabilisan sa pag-inom, nagwagi ang grupo ni Philippine Daily Inquirer sports editor at Philippine Sportswriters Association (PSA) president Teddyvic Melendres, Marc Reyes ng Philippine Daily Inquirer, Abac Cordero ng Philippine Star kasama ni Jonas Villanueva at Chris Calaguio sa oras na isang minuto at 33 segundo.
Pumangalawa ang grupo ni Daily Tribune reporter Julius Manicad, Joey Villar ng Philippine Star, Aldrin Quinto ng Business Mirror at sina Olsen Racela at Samigue Eman.
Ang third placers ay ang grupo nina Alex Pastor ng Business Mirror at mga disc jockeys na sina Migs Anzures, Sam Mupanza kasama nina Dorian Peña at Bonbon Custodio. Pang-apat na puwesto sina Business Mirror sports ed Jun Lomibao, Tito Roxas, John Paulino ng Abante kasama ng San Miguel support staff na sina Raffy Hanopol at Obet Alberto. Ang mga hurado ay sina Alvin Patrimonio, Peter Martin at SMB team manager Hector Calma. Ang mga Beermen na kasama sa ibang teams ay sina Ken Bono, Froilan Baguion, Mike Cortez, Marc Pingris at Dondon Hontiveros.
Ang cash prizes ay ibinigay ng San Miguel Brewery, Inc officials sa pamumuno ni National Sales Manager Debbie Namalata, na nagsabi na ang National Beer Drinking Contest ay may planong humatak ng 60,000 na teams na manginginom ng beer.
Ang tryouts ay hanggang Sept. 30 lamang. Para sa iba pang detalye, tumawag sa 632-BEER o bumisita sa www.smbtakesyoutothephilippines.com.ph.