^

PSN Palaro

Aguilar, tiyak na sa PBA Draft

-

TAIPEI --Ang inaasahang susunod na pinakadominanteng manlalaro sa Philippine basketball na si Japeth Aguilar, ang higanteng dating player ng Ateneo, ay nagde-sisyon ng sasali sa nalalapit na PBA Draft.

 Pormal ng inihayag ng 22 anyos na si Aguilar ang kanyang pagnanais na makasama sa draft matapos na maglaro ng limang laban sa Powerade Team Pilipinas, isang selection ng PBA All-star-- sa ginaganap na Jones Cup dito.

Ang kanyang application paper na nasa selyadong sobre ay iniwan niya sa Manila bago nagtungo dito at ipinahayag sa mga PBA officials na naririto ang kanyang pormal na pagsali sa draft na nakatakda sa Aug. 2 sa Market! Market! sa Taguig.

“It’s a family decision. It’s for my future. We’ve thought it’s better for me to join the PBA now,” pahayag ni Japeth, anak ng dating national and pro player na si Peter.

“My parents have thought I would be better off here than in the (United) States. We’ve thought I would earn more in the PBA with my salary there and possible endorsements,” dagdag ni Aguilar.

Malugod namang tinanggap ni PBA commissioner Sonny Barrios ang desisyon na ito ni Aguilar.

“The PBA family welcomes Japeth Aguilar to the premier basketball league of the country. I am confident he will be an asset not only to his team but also to the PBA while he showcases his basketball talent and skills,” ani Barrios. (Nelson Beltran)

AGUILAR

ATENEO

JAPETH

JAPETH AGUILAR

JONES CUP

MALUGOD

NELSON BELTRAN

PBA

POWERADE TEAM PILIPINAS

SONNY BARRIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with