AUF taob sa JRU
MANILA, Philippines - Humakot ng suporta mula sa bench, dinurog ng last year’s runner-up na Jose Rizal ang Angeles U Foundation sa pamamagitan ng 82-53 panalo kahapon para makisalo sa San Sebastian sa unahan sa The Arena, San Juan, City.
Bumuwelo sa pagtipa ng puntos, umiskor ng 19 points at 9 rebounds si James Sena subalit bumandera si John Agas nang magpasabog ito ng 13 points kabilang ang eksplosibong 3 triples mula sa bench para iukit ang ikalima nitong panalo sa liga.
“I must admit, the game was harder than the score indicated because I had to dig deep from my bench,” ani Jose Rizal coach Ariel Vanguardia. “I also have to give credit to John Agas who came up huge and energized my bench.”
Sa naunang laban, hindi nagpaiwan, sumungkit si Joshua Saret ng league high 89 puntos para pa-ralisahin ang kalaban at iposte ng JRU ang 171-43 pagbaon sa Angeles U Foundation sa juniors division.
Dahil sa taas na puntos, nabura na ni Saret ang 82 points na tala ni dating teammate Keith Agovida sa 127-49 bentahe ng Mapua sa nakaraang season.
Sa liksi at bilis ni Saret, bumulsa ito ng 22, 21, 19 at 27 sa bawat quarter na tumipa ng 33 buhat sa 54 shots na tangka.
Naging matunog ang performance nito nang ang marka rin ang 14 na triples at 10 foul shots sa naturang asignatura.
Bukod pa sa scoring, naging malaki rin ang ambag ni Saret sa rebounding matapos magbigay ng para angkinin ang unang quadruple-double sa torneo, 11 rebounds, 12 assists at 13 steals.
Sa isa pang seniors game, nanaig ang Emilio Aguinaldo College sa Mapua, 77-69 para sa kanilang unang panalo. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending