^

PSN Palaro

Britons sinorpresa ng Blu Boys

-

SASKATOON, Canada -- Sumabog ang Philippines sa lahat ng kanilang runs sa ikaapat na inning upang itala ang isang come-from-behind 4-3, panalo laban sa Great Britain sa opening day ng XII International Softball Federation men’s world championship sa Bob Van Impe Stadium sa loob ng Godon Howe Park dito.

Laglag sa 1-0 matapos ang tatlong kumpletong innings na bunga ng opening game jitter, naipakita ng Blu Boys ang kanilang tunay na laro sa itaas ng decisive fourth period, nang bombahin ang losing pitcher na si James Arbu ng four hits kabilang na ang mahusay na sacrifice bunts na naging base-hits na kapwa ikinagulat ng kalaban at ng manonood.

Ito ang unang sorpresang laro, mula sa senyales kay coach Zacky Bacarisas kay Jasper Cabrera, na bigong mapunan ng Briton first baseman at nagbigay daan naman sa dalawang Pinoy na makatuntong sa una at ikalawang base kabilang na si Orlando Binarao na naka single.

Pinunan ni Arby ang base matapos mabiyayaan ng single ang kapatid ni Binarao na si Manolito at sa sumunod na play naman ay kumana ng double si Oscar Bradshaw--ang line drive na pumailanlang sa uluhan ng British shortstop at makatawid at mapunan ng tatlong Pinoy runners ang plate.

Isa pang sacrifice play, ngayon naman ay binubuo ni Isidro Abello, ang nasaksihan ni Bradshaw sa pag-uwi sa base nina Orlando Binarao, Cabrera at Manolito Binarao.

“Alam ko hindi nila inaasahan yung sacrifice plays, kasi maaga pa naman. Kaya lang kailangan nating umiskor at maaring madagdagan pa ang runs nila,” wika ni Bacarisas.

Kasunod na makakalaban ng Blu Boys ang Mexico sa Sabado (Linggo sa Manila) bago harapin ang defending champion New Zealand, US sa Lunes, Japan sa Martes, Botswana sa Miyerkules at Denmark sa Huwebes sa Pool A elimination play.

vuukle comment

BLU BOYS

BOB VAN IMPE STADIUM

GODON HOWE PARK

GREAT BRITAIN

INTERNATIONAL SOFTBALL FEDERATION

ISIDRO ABELLO

JAMES ARBU

JASPER CABRERA

MANOLITO BINARAO

ORLANDO BINARAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with