^

PSN Palaro

Dugos sa Davao; Barcase sa Tarlac

-

DAVAO CITY, Philippines — Naungusan ni Joselito Du-gos ng Davao City ang dalawang lalakeng runners habang inangkin naman ni Judelyn Miranda ng Tagum City ang kanyang ikalawang leg title sa 33rd National Milo Marathon kamakalawa.

Sa Tarlac City naman, ipinakita ni Abraham Barcase Jr. ang kanyang galing sa pagtakbo ng mapagwagian naman nito ang Tarlac Regional eliminations na nagtapos at nagwakas sa Tarlac Plaza at kasabay ng ginanap na Davao event.

Ang 24 anyos na si Barcase, na dating standout ng FEU sa UAAP ay namayani sa 21K course simula pa lamang ng karera at maorasan ng 1:09.52 para makakuha ng tiket sa Manila Finals sa Oktubre.

Higit pa sanang napaganda ni Barcase ang kanyang personal best na 1:08 kung mas mahigpit ang naging laban.

Sa Davao naman, mahigpit naman ang naging karera ni Dugos kina Rafael Poliquit ng Marbel at Noel Bautista ng Tagum sa halos kabuuan ng karera. Ngunit umalagwa ito sa huling limang kilometro ng 21K foot race na ginaganap sa pakikipatambalan ng Bayview Park Hotel-Manila at Department of Tourism.

Sinikap nina Poliquit at Bautista, na habulin si Dugos ngunit bigo silang maagaw ang eksena nang nakatawid na sa finish line ito.

Sa kababaihan, nagreyna ang 24 anyos na si Miranda na nanguna rin sa Butuan Leg, sa tiyempong 1:31:27 upang maibulsa ang premyong P10,000 at makasulong din sa national finals.

Pumangalawa naman si Caroline Frijlink ng Belgium na miyembro ng Voluntary Service Overseas and local NGO AFRIM sa oras na 1:35:32 at makasama din sa grand finale.

Pumangatlo naman sa women’s 21K race si Nichiren Panerio sa 1:52:18.

Sa Tarlac, humugot ng back-to-back si Anna Vargas sa bilis na 1:28.38, na una kay runner-up May Benedicto (1:28.48), kasunod si Estrella Taban (1:29.37).


ABRAHAM BARCASE JR.

ANNA VARGAS

BAYVIEW PARK HOTEL-MANILA

BUTUAN LEG

CAROLINE FRIJLINK

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF TOURISM

DUGOS

ESTRELLA TABAN

JOSELITO DU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with