^

PSN Palaro

Asian Youth Games simula na

-

SINGAPORE — May 1,000 atletang may edad 14 anyos hanggang 17 anyos na mula sa 45 bansa ang papagitna ngayon sa kauna-unahang Asian Youth Games na magsisimula ngayon sa Singapore Indoor stadium dito.

Nangako ang local organizers dito ng magarbo at spectacular na opening ceremonies na pupunuin ng fireworks at cultural presentations kabilang na ang “Garden in the City” na gagampanan ng may 400 estudiyante sa inaugural na pagtatanghal ng 9-day multi-event competition na ito. Ang opening ceremonies ay magsisimula sa alas-7 ng gabi.

Ang Philippines ay binubuo ng 59 atleta, kabilang na ang 18 football players na bumalik sa Pilipinas kahapon matapos makipag-draw sa host Singapore, 2-2 sa isang friendly game sa Jalan Besar Stadium noong Sabado ng hapon.

Ang RP booters ay sumailalim sa quarantine ng pitong araw matapos magpositibo ang 14 anyos na si Claudio Lopa sa Influenza A (H1N1) at inalis sa kompetisyon kasama ang Hong Kong team na may 3 ding positibo sa sakit.

ANG PHILIPPINES

ASIAN YOUTH GAMES

CLAUDIO LOPA

HONG KONG

INFLUENZA A

JALAN BESAR STADIUM

NANGAKO

PILIPINAS

SABADO

SINGAPORE INDOOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with