MANILA, Philippines - Tinanghal na kampeon si Joseph Caperlac sa Silver Stone 10-Ball open tournament na idinaos sa Batangas noong June 12-14 at nilahukan ng mahigit 100 professional na manlalaro ng bilyar.
Tinalo ni Caperlac si Domingo Dayao sa race-to-9 na bakbakan, 9-6. Naibulsa ni Caperlac ang premyong nagkakahalaga ng P20,000 at tropeo.
“Ang panalo kong ito ay nagbigay sa akin ng kumpiyansa na sumali sa iba pang torneo sa 10-ball,” wika ni Caperlac.