MANILA, Philippines - Para pigilan ang muling pagrereyna ng San Sebastian, nagsanib pwersa ang Lady Tigresses upang itabla ang serye at ipwersa ang sudden death match makaraang iposte ng UST ang 25-21, 25-22, 25-23 panalo para sa Shakey’s V-League na pinrisinta ng Cherifer kahapon sa The Arena, San Juan City.
Bumulsa ng 14 kills, pinunit ni Michelle Carolino ang depensa ng Lady Stags sa isang oras na engkwentro ng UST.
Inspirado dahil sa natanggap na tropeo, bina-lanse ni Balse at Carolino ang laban sa pamamagitan ng rally mula sa 10-15 sa ikatlong set.
Subalit nanindigan ang Lady Stags na makipagbuno sa UST nang itala ang 23-24 sa hit ni Thai import Jaroensri Bualee.
Dahil sa pananaig ng Lady Tigresses, matutunghayan ang maaksyong dwelo sa pagitan ng UST at SSC bukas.
Samantala, hindi na nagpatumpik tumpik pa ang Adamson Lady Falcons sa pagdagit ng ikatlong pwesto matapos dispatsahin ang Far Eastern University sa 27-25, 25-23, 25-23 panalo.
Samantala, sinunggaban ni UST Mary Jean Balse ang MVP award kung saan siya ang kauna-una-hang manlalarong nakapag-uwi ng nasabing titulo ng dalawang besesmatapos iuwi ang korona noong 2004.
Pinagsumikapan, todo kayod si Balse para maipanalo ang title series kontra San Sebastian.
Sa kabilang banda minarkahan rin ang husay ni Jaroensri Bualee na nag-uwi ng best scorer award habang best attacker si Laurence Ann Latigay at best blocker naman si Aiza Maizo.
Hinirang rin sina Morada (best server), Adamson’s libero Lizlee Ann Gata (best digger), Rhea Dimacula-ngan (best setter), at ang Stag na si Marge Pepito bilang best receiver.
Hindi rin nagpahuli sa eksena ang top hitter na si Shaira Morada na kinilalang Cherifer’s most improved award. (Sarie Nerine Francisco)