Puerto Rican handa rin kay Viloria
MANILA, Philippines – Handa rin si Puerto Rican world light flyweight champion Ivan "Iron Boy" Calderon na harapin si Brian "The Hawaiian Punch" Viloria sa isang unification match.
Maliban sa 28-anyos na si Viloria, gusto ring makasagupa ng 34-anyos na si Calderon ang 33-anyos na si Mexican world flyweight titlist Omar Narvaez.
"I wanted to do this since I turned pro. I want all the 108 champs but there running from me so I'll take on a good 112 lb name such as Omar Narvaez," ani Calderon. "I'd love to fight Brian Viloria if he gives me the opportunity."
Si Calderon ang kasaluku-yang light flyweight king ng World Boxing Organization, habang si Narvaez ang WBO flyweight ruler at si Viloria ang bagong International Boxing Federation (IBF) light flyweight titlist.
Ngunit bago puntiryahin ang isang unification fight kay Viloria, kailangan munang talunin ni Calderon si Filipino challenger Rodel Mayol sa Hunyo 13 sa Madison Square Garden sa New York.
Tangan ni Calderon ang 32-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 6 KOs, habang dala ng 27-anyos na si Mayol ang 25-3-0 (19 KOs) card.
"I don’t know too much about him except that he is 5’4 and he has a strong left hand," ani Calderon kay Mayol. "My plan for the fight is to keep my normal game and box intelligently round by round. If I have the opportunity for KO I do it."
Ito ang pangatlong pagkaka-taon na magtatangka si Mayol na makasungkit ng isang world boxing title matapos mabigo kina World Boxing Council (WBC) minimumweight king Eagle Den Junlaphan noong 2006 at kay International Boxing Federation (IBF) light flyweight ruler Ulises Solis noong 2007. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending