Pacquiao, masyadong abala

MANILA, Philippines – Malamang na dalawang karangalan ang tanggapin ni Freddie Roach mula sa Boxing Writers Association of America sa Sabado ng gabi (Linggo ng tanghali sa Manila) sa New York: isa para sa kanyang sarili bilang 2008 Trainer of the Year at ang isa naman para kay Manny Pacquiao bilang Fighter of the Year.

Ilang araw na lang ang nalalabi bago ang awards night, hindi pa desido ang Pinoy pound-for-pound champion kung pupunta siya sa New York upang personal na tanggapin ang karangalan sa 84th BWAA Annual Awards Dinner at the Capitale at 130 Bowery sa New York.

“It was postponed. I still have so many things to finish here,” wika ni Pacquiao sa isang TV interview sa airport nang dumating ito mula sa Gen. Santos City.

Masyadong abala si Pacquiao kaya nagdadalawang isip ito kung pupunta siya sa New York para dito.


Show comments