Indonesians hiniya ng Powerade Team RP

MEDAN, Indonesia — Hiniya ng Powerade Team Pilipinas ang Indonesia, 103-64 upang makamit ang unang finals berth sa 8th SEABA Championships ang pinal at opisyal na daan patungo sa Asian world qualifier sa China sa Agosto.

Nagpako ng limang tres si James Yap at banderahan ang lahat ng scorers na may 21 puntos habang umiskor naman si Arwind Santos ng 10 puntos sa dunks at magtapos na may 18 sa paghatak sa Nationals.

Ang tatlo pang ibang umiskor ng double figures para sa RP team, na kulang sa tao bunga ng mga injured na players, ay sina Willie Miller, Gabe Norwood at Asi Taulava.

Ngunit hindi naging hadlang ang kakulangan sa tao ng Nationals bagkus ay higit pang naging mas mainit at mas malupit sa pagkawala nina Ryan Reyes at Jayjay Helterbrand na na-injured.

“I knew we could play better than we did against Malaysia. And there were a lot of factors. First, it (Malaysia) was our first game after a long break. We’re in a new environment. But once they got used to it, everything went well,” wika ni RP team coach Yeng Guiao.

“We want to be a fastbreaking team with hustling defense, and that’s what the team did. We didn’t want to get excuses for one not to play defense that’s why we demanded everybody to exert effort. And the boys also did,” dagdag ni Guiao.

Nagtrabaho ng husto ang Nationals at nagbigay pa ng bonus sa punum-punong Angkasapura Lanud Basketball Hall sa mga electrifying jams nina Santos at Norwood.

Sa sobrang impresibong laro na ipinakita ng Pinoy players humatak ito ng paghanga mula sa fans ng host.

Pagkatapos ng laro, dinumog ang RP team para magpakuha ng letrato at magpa-autograph.

Pinupuntirya ng Powerade-RP ang sweep kontra sa Singapore, habang sinusulat ang balitang ito.

Show comments