Buenavista, Tolentino wagi
MANILA, Philippines - Nakahabol si Eduardo Buenavista mula sa mabagal na simula at abutan ang dalawang nangungunang runner bago kumaripas sa may Gil Puyat Ave. at Bautista st. sa Makati City upang makopo ang men’s division title habang matagumpay naman naidepensa ni Ailene Tolentino ang kanyang korona sa kababaihan sa 3rd Mizuno Infinity Run 2009 na ipiniprisinta ng Gatorade na nagsimula at nagtapos sa Bonifacio City-28th St. malapit sa NBC Tent sa Taguig City.
Umiskor ng kanyang ikalawang tagumpay sa nakalipas na dalawang Linggo, dumaan pa muna ang 30 anyos na tubong Sto. Niño, South Cotabato sa portalet at inabutan ang iba pang kalahok sa anim na kilometro bago hatakin ang abante kina Alquin Bolivar at Rene Desuyo tungo sa panalo.
Pumangalawa at pumangatlo naman sina Bolivar at Desuyo na naorasan ng 52:46 at 53:02 ayon sa pagkakasunod para naman tanggapin ang premyong P3,000 at P1,000 at medalya mula kay Mizuno Corporation Asia-Oceania sports division senior manager Kiyoshi Tatani, na inasistihan nina David John Lovell B. Gopez, president ng Master Sports Corporation, Paolo M. Cagalingan, General Manager, May Bernad, head Mizuno running division at Run and Compete Events’ Rudy Biscocho, ang organiser ng 3-in-1 road race.
Sa kababaihan, tinalo ng 21-year-old na si Tolentino ng Cagayan de Oro City si Maricel Maquilan sa photo-finish at magwagi sa tituoo sa magkatulad na oras na 1:01:31. Ikatlo naman si Flordeliza Donos na may tiyempong 1:04:14.
- Latest
- Trending