^

PSN Palaro

Panalo ni Amit magsilbi sanang inspirasyon

-

MANILA, Philippines - Kung anuman ang ipinamulat ni pool legend Efren ‘Bata’ Reyes may ilang dekada na ang nakalilipas, nais itong sundan ni Rubilen Amit.

Umaasa ang 27 anyos na si Amit na magiging inspirasyon sa iba pang kababaihan ang kanyang tinamong tagumpay.

“I also want to help women’s billiards in the country just like what my idol Efren (Reyes) did many years ago for the sport,” pahayag ni Amit matapos mapagwagian ang 2009 JBETpoker.net Women’s World 10-Ball Championship sa SM City North noong Sabado.
“I hope my win will help inspire other Filipino women players to strive harder,” wika ng maliit na taga Mandaue Cebu na pool player.

Nalusutan ni Amit ang lahat ng balakid, kabilang na si two-time world pool champion Liu Shin Mei ng Chinese Taipei, 10-4, sa makapigil-hiningang finale para maging kauna-unahang kampeon sa paunang 10-Ball champion.

Dahil dito, nakasama niya sina Reyes, Fil-Canadian Alex Pagulayan at Ronnie Alcano, na nagwagi sa pinagsamang three 9-Ball at two 8-Ball world titles, na mga Pinoy world champions.

Patungo sa kampeonato, tinalo ni Amit si 2000 world 9-ball queen Julie Kelly ng Ireland at crowd favorite Jeanette “The Black Widow” Lee ng United States.

Ang tanging kabiguan nito ay sa kamay ni World No. 1 Kelly Fisher ng England, 1-5, sa opening day match.

Mula dito, hindi na niya tinantanan ang mga kalaban upang masikwat ang korona.

“I’m really a slow starter,” pahayag ni Amit, na naging mabagal din ang simula sa 2007 Amway World 9-Ball Championship sa Taiwan kung saan nagrally ito para tumapos na runner-up. (Sarie Nerine Francisco)

AMWAY WORLD

BALL CHAMPIONSHIP

BLACK WIDOW

CHINESE TAIPEI

CITY NORTH

EFREN

FIL-CANADIAN ALEX PAGULAYAN

JULIE KELLY

KELLY FISHER

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with