Air Force, Pampanga kampeon sa National Open softball championship

MANILA, Philippines - Ipinamalas ng Air Force ang kasanayang maglaro kahit umuulan nang igupo nila ang Taguig City, 7-3, sa anim na innings upang matagumpay na maidepensa ang men’s title sa Cebuann Lhuillier 2009 National Open Softball Championships noong Biyernes ng gabi sa rosario Sports Complex sa Pasig City.

Nakalusot din ang The Legends ng Pampanga sa maputik na kondisyon ng palaruan nang payukurin nila ang Adamson-Manila, 10-2 sa regulation six at maging kauna-unahang club na nasungkit ang korona sa kababaihan sa unang pagtatangka.

Ang torneo, na humatak ng kabuuang 27 teams, ay inorganisa ng Amateur Softball-Philippines na pinamumunuan ni Jean Henri Lhuillier ay suportado ng Pera Padala, Phiten, Le Soleil de Boracay, Just Jewels at Mizuno.

Show comments