^

PSN Palaro

3rd Mizuno Infinity Run

-

MANILA, Philippines – Inaasahang tatakbo na sa Linggo ang may 2,000 runners sa 3rd Mizuno Infinity Run sa Fort Bonifacio Global City .

Ang event na may kompetisyon sa 15K,10K, at 5K ay inaasahan dodominahin ang mga pambansang atleta na pinamumunuan ni two-time Olympian Eduardo Buenavista at defending champions Cresencio Sabal at Ailene Tolentino.

 Ang naturang karera ay inorganisa ng Master Sports Corporation at ipiniprisinta ng Gatorade.

Lahat ng interesado ay maaari pang magpalista ngayon sa RACE, ground floor ng Vasquez Madrigal Plaza Bldg. sa 51 Annapolis St. Greenhills at piling Mizuno outlets.

Papuputukin ni Oshi Tatani, Mizuno Asia-Oceania manager ang starting gun para sa 15K eksaktong alas-5:30 ng umaga at siya ay aasistihan ni David John Lovell B. Gopez, president ng Master Sports Corporation, Paolo M. Cagalingan, General Manager, at May Bernard, head Mizuno running division.

Nakataya dito ang kabuuang premyo na P57,000 cash prize para sa top three male at female  finishers ng 15K, 10K, at 5K runs maging ang mga first finishers ng limang  age group category competition na suportado ng Mail and More, Starbucks, BMG Solar, CITGO  lubricants, Beeline Helicopters  at suportado ng Fort Bonifacio Global City, Lungsod ng Makati at Taguig, PNP NCRPO, PNP  traffic enforcement group ng Makati, MAPSA, Philippine National Red Cross, PCSM, Manila Water, at SPECTRUM communications group. Ang Philstar.com ang official media partner.


AILENE TOLENTINO

ANG PHILSTAR

ANNAPOLIS ST. GREENHILLS

BEELINE HELICOPTERS

CRESENCIO SABAL

DAVID JOHN LOVELL B

FORT BONIFACIO GLOBAL CITY

GENERAL MANAGER

MASTER SPORTS CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with