^

PSN Palaro

Amit pasok sa KO stage

-

MANILA, Philippines – Pinayuko ni Rubilen Amit ang kababayang si Mica Claveria, 5-1 upang maging kauna-unahang Pinay na nakapasok sa knockout stage ng 2009 JBETpoker.net Women’s World 10-Ball Championship na ginaganap sa Sky Dome ng SM North Edsa sa Quezon City.

Ito ang ikatlong panalo ni Amit sa kanyang pagsama kay world No. 1 Kelly Fisher ng England at Charlene Chai ng Singapore palabas ng Group 8 patungo sa ikalawang baytang ng prestihiyosong event na ipiniprisinta ng JBETpoker.net, Dragon Promotions at Bugsy Promotions.

Napagwagian ni Fisher ang lahat ng limang laban kabilang ang 5-1 panalo kay Amit sa opening day habang tumapos si Chai na may tatlong panalo at dalawang talo.

 “I’m happy that I’m already in. Too bad nga lang because I did it at the expense of my countryman,” wika ni Amit, na naunang nagpote ng katulad na 5-1 tagumpay kina Chai at SU I Yu

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagsarguhan pa ang 11 anyos na si Gillian Go, ang 11 year old sensation, para sa natatanging local na may tsansang makapasok sa single elimination phase ng $75,000 event na ito na suportado ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines, ABS-CBN, SM Mall North Edsa, Magic 89.9, Predator Cues, Takini Billiard Cloth, Aramith, Puyat Sports, The Philippine Star, and Bugsy Promotions at kinikilala ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines.

Si Go, na lumasap ng back-to-back na kabiguan kontra kay world No. 5 Yu Ram Cha ng Korea (5-2) at veteran campaigner Liu Shin-mei ng Chinese-Taipei (5-2) noong Miyerkules ay nanaig kay Latetia Dos Santos ng France, 5-3, para mabuhayan ng pag-asa sa Group 5.

Kalaban ni Go si Tina Meraglio ng US na ang tagumpay ditto ay magbibi-gay ng tiket sa KO round.

Tinalo naman ni National team mainstay Mary Ann Basas si Sarah Rousey ng USA, 5-2, para tapusin ang preliminary round assignment na may 3-2 win-loss card.

Tuluyang naman napatalsik na sa kontensiyon si WPBA Rookie of the Year Iris Ranola matapos lasapin ang 5-3 kabiguan kay Melissa Little ng US para sa kanyang ikatlong kabiguan sa apat na laban.


BALL CHAMPIONSHIP

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

BILLIARDS MANAGERS AND PLAYERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BUGSY PROMOTIONS

CHARLENE CHAI

DRAGON PROMOTIONS

GILLIAN GO

I YU

KELLY FISHER

LATETIA DOS SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with