^

PSN Palaro

Mayol magtatangka uli

-

MANILA, Philippines – Sa ikatlong pagkakataon, magtatangka si Filipino challenger Rodel Mayol na makahablot ng isang world boxing crown.

Sa panayam ni Dennis Principe sa kanyang ‘Sports Chat’ program sa DZSR mula sa Wildcard Boxing Gym sa Hollywood, California kahapon, kumpiyansa ang 27-anyos na si Mayol sa kanyang tsansa.

“Malaki ang tsansa ko kasi ngayon eksakto ako sa training, magandang maganda ang kundisyon kesa doon sa mga huling laban ko,” wika ng LA-based na si Mayol, nagbabandera ng 25-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs.

Nakatakdang hamunin ni Mayol ang 34-anyos na si Ivan Calderon ng Puerto Rico para sa suot nitong World Boxing Organization (WBO) light flyweight belt sa Hunyo 13 sa Madison Square Garden sa New York City.

Ito ang pangatlong beses na world title bid ni Mayol matapos matalo kay Eagle Den Junlaphan para sa World Boxing Council (WBC) minimumweight belt mula sa isang unanimous decision noong 2006 at mabigo kay Ulises Solis via eight-round TKO para sa International Boxing Federation (IBF) light flyweight crown noong 2007.

Ang IBF light flyweight title ni Solis ay inagaw ni Brian “The Hawaiian Punch” Viloria via 11th round TKO noong Abril sa Araneta Coliseum.

“Huling chance ko na siguro ito na magkaroon ng title fight kaya pagbubutihin ko talaga at gagawin ko ang lahat,” wika ni Mayol sa kanyang paghahamon kay Calderon, idedepensa ang suot na WBO light flyweight belt sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Ang naturang laban ni Mayol kay Calderon ay personal na panonoorin nina Manny Pacquiao at trainer Freddie Roach kasabay ng pagmamatyag sa title defense ni welterweight king Miguel Cotto kay Joshua Clottey sa Madison Square Garden. (Russell Cadayona)


ARANETA COLISEUM

DENNIS PRINCIPE

EAGLE DEN JUNLAPHAN

FREDDIE ROACH

HAWAIIAN PUNCH

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

IVAN CALDERON

JOSHUA CLOTTEY

MADISON SQUARE GARDEN

MAYOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with