Korona abot-kamay na ng Oracle
MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagiging Most Valuable Player of the Conference ni Chris Ross, nabigo ang Pharex na maitawid sa susunod na panalo ang koponan matapos igupo ng maalamat na Oracle Residences para palawigin ang tsansang maiuwi ang titulo ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup.
Sa mga tirada ni Chris Timberlake, nailayo ng Oracle sa huling yugto ng laban ang lamang para itala ang 88-70 panalo na nagsalpak ng panalo sa grupo para sa 2-1 baraha ng serye.
Tulad ni Ross na umaasam na makapaglaro sa proleague, napatunayan ni Timberlake ang husay matapos sustinihan ang tagumpay ng Residences. bumandera ng team high 19 points marka, mula sa 8 of 14 shooting, kabilang ang 6 rebounds at 3 assists, natakpan ni Timberlake ang parangal na iginawad kay Ross bago umpisahan ang Game 3 kahapon.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang istilo at matalas na estratehiya, naisahan ni Timberlake ang katukayo mula sa kalaban.
Samantala, ang 16 points kontribusyon ng bagong MVP na si Ross ay hindi umubra para maungusan ang dating Batang Pier sa ikalawang pagkakataon.
Para sa Titans, kahit na kulang sa players, umarangkada ang tropa nang punan nina John Wilson at Rob Labagala ang kawalan nina Marc Barroca na lumipad para sa RP developmental Team matapos maglista ng tig-16 points kontribusyon. Bunga ng panalo, lumalapit na ang pagbagsak ng mga lobo para ihudyat ang muling paghahari ng prangkisa ni Mikee Romero sa liga.
Sa darating na bakbakan sa Martes, dobleng kayod ang nararapat gawin ng bataan ni coach Carlo Tan sapagkat muling magbabalik sa playing court ang key players ng Oracle na sina Aldrech Ramos, Barroca, Mac Baracael at JR Cawa-ling upang wakasan ang karera ng Batang Generix.
Sa ipinakitang laro kahapon, namulubi sa outside shooting ang Pharex makaraang mgmintis ang mga tangka nina Francis Allera at Ian Saladaga sa three point zone
Sa pinagsanib na pu-wersa ng magandang laro ni Timberlake, matinding rebounding ni Maierhofer at Jerwin Gaco, at pagbulusok nina Wilson at Labagala, matagumpay na nailampaso ng Titans ang Pharex. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending