MANILA, Philippines – Seryosong paghahanda ang ginagawa ni Kim Jones at nais nitong makapagtala ng kasaysayan bilang unang African American na babae na makikipaglaban sa billiards para sa world title.
Si Jones ay isa sa pitong Kana na nag-qualify na lumaro sa prestihiyosong Women’s World 10-Ball Championship na ihohost ng bansa sa SM City North Edsa sa Quezon City.
Pasulpot-sulpot lang si Jones sa women’s pro tour nitong nakaraang limang taon. Dahil nagtratrabaho ito ng full-time sa IBM bilang project manager. Kamakailan lamang natanggal ito sa trabaho dahil sa economic crisis sa U.S. kaya ibinuhos niya ang kanyang oras sa billiards. Siya ay nasa top 50 sa WPBA world ranking noong 2008.
“I am truly excited. Ever since being on tour, fans, of all color, have always come to me with words of support. I’m really happy to be making history, and I think it’s quite an honor. I really hope I can encourage other black players worldwide to try to compete more,” aniya.
Ang torneo ay kinokonside-rang pinakamalaking women’s sporting event ng taon sa bansa gayundin sa buong Asya dahil sa malaking media attention na may 40 hours coverage para sa bansa at 20 hours live sa ESPN at sa local partner na ABS-CBN.
May 48 top lady cue artistsmula sa buong mundo ang maglalaban-laban para sa $20,000 top purse sa tournament na ito na hatid ng Dragon Promotions sa tulong ng JBETpoker.net, ABS-CBN, SM Mall North Edsa, Magic 89.9, Predator Cues, Min Billiard Cloth, Puyat Sports, Philippines Star, Bugsy Promotions at kinilala ng BMPAP at BSCP.
May kabuuang $75,000 cash prize ang nakataya sa torneong ito na may temang ‘billiards the sport of the Philippines , the sport of the people’ na kinilala rin ng World Pool at Billiard Association.
Ang Open qualifiers ay gaganapin sa May 31 at June 1 sa Paeng’s Skybowl sa 4th Floor sa Robinsons Galleria Mall na kadikit ng Crowne Plaza Hotel sa Manila.