Pagpasok sa semis ng FEU binigo ng SSC
MANILA, Philippines – Para hadlangan ang outright semis bid ng nagkukumahog na Lady Tams, buong giting na sinalanta ng Lady Stags ang kalaban sa pamamagitan ng 25-22, 25-18, 25-17 panalo para sa pagpapatuloy ng sixth Shakey’s V-League sa The Arena San Juan City.
Mula sa malulupit na 16 hits ni Thai import Jaroensri Bualee, ipaparada ng Lady Stags ang perpektong kartada kasalo ng UST sa liderato.
Sa tulong ng 11 points produksyon nina Rysabelle Devanadera at Lou Ann Latigay, uusad ang SSC para sa penultimate playdate ng quarterfinal round sa Linggo.
Ito ang ikasampung sunod na panalong naitala ng Lady Stags kabilang ang 6 na marka sa elims matapos yumuko sa Tigress noong opening day ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza at ipiniprisinta ng Cherifer.
Bunga ng kabiguang ito, naiwanan ng 2-2 bentahe ang FEU sa kabila ng automatic slot sa next round sakaling manalo ang Adamson sa USJ-R na wala pang naiiuwing panalo.
Para sa FEU, kinapos ang 12 points produksyon ni Shaira Gonzales at 11 points kontribusyon ni Maica Morada para iabante ang tropa.
Sa kabilang banda, kasalukuyang nananamlay ang Lady Falcons tangan ang 1-2 panalo-talo na determinadong maiuwi ang panalo kontra Jaguars para kumpletuhin ang semis cast ng ligang suportado ng Accel, Mikasa, OraCare, Mighty Bond.
Sa naunang laban, tuluyang sinakmal ng UST ang Univ. of St. La Salle-Bacolod, 21-25, 25-11, 25-10, 25-17, para wakasan ang karera sa liga.
Dahil dito, inaasahang matinding aksyon ang masasaksihan sa muling paghaharap ng SSC at UST sa Linggo.
“We struggled in the first set but we recovered in the next three as we were able to adjust on our offense and blocking,” pahayag ni UST coach Cesael delos Santos. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending