Sino ang makakalaban ng San Miguel?

MANILA, Philippines – Kapag pinagbasehan ang playoff chart, nakikini-kinita ng mga eksperto at manonood ng liga na makalaban ng San Miguel Beer sa Motolite PBA Fiesta Conference finals ang alinman sa Barangay Ginebra, Purefoods o Talk N Text.

Sa kabuuan, magaan na makakapasok sa kanilang bracket ang Beermen habang ang Kings, Giants at Tropang Texters ay maglalaban-laban sa sarili nilang grupo sa playoff phase na magsisimula bukas.

Samantala, tinanghal na co-winners sina Ronald Tubid ng Ginebra at Asi Taulava ng Talk N Text sa Motolite Accel Player of the Week para sa May 20-24 week.

Binanderahan ni Tubid ang Kings para sa outright semis entry, habang pinalakas naman ni Taulava ang Tigers sa No. 8 sa playoff.

Makikipagbuno naman ang Rain or Shine at Burger King kontra sa Barako Bull at Alaska, ayon sa pagkakasunod sa Day 1 ng playoff. Dahil seeded No. 3 at 4, ang Elasto Painters at Whopper ay may twice-to-beat advantage laban sa Energy Boosters at Aces sa kanilang match-up.

Maghaharap naman sa knockout match ang Sta. Lucia Realty at Coca-Cola at Purefoods laban naman sa Talk N Text.

Ang Burger King, Alaska, Sta. Lucia at Coca-Cola ang nasa top bracket kasama ang San Miguel habang ang Barako Bull, Rain or Shine, Purefoods at Talk N Text ang nasa bottom bracket kasama naman ang Ginebra.

Ang Beermen at Kings ay kapwa naman seeded sa semifinals dahil sa pagiging top two team nila sa classification round.


Show comments