Game 1: Winning tradition itataya ng Oracle vs Pharex
MANILA, Philippines – Bilang pagpapatuloy ng dinastiya ng maalamat na Batang Pier, aasintahin ng Oracle Residences ang unang panalo sa Finals ng 2009 PBL PG Flex Unity Cup.
Kontra sa bagito sa championship round na Pharex, pagtutuunan ng pansin ni coach Glenn Capacio ang depensa at opensa ng grupo para makasunod sa tradisyon ng kanilang sister team.
Subalit hindi padadaig agad ang Pharex Generix na may matinding determinasyon at ambisyon na isulong ang panalo.
Pinaigting ng grupo ang ensayo para sa pambwena mano sa serye na magsisimula ng alas tres ng hapon.
Sa kabila ng pagiging first timer sa finals ni Pharex coach Carlo Tan, handa si Tan sa hamon ng koponan ni Mikee Romero.
Kahit kapos sa karanasan kumpara sa Oracle, tiwala si Tan na matatapatan ng kanyang mga bataan ang bawat tirada ng kalaban.
“In the finals, I think you need to be able to play any which way to win,” ani Tan. “And I think all our players are a little excited being first-timer in the PBL finals.”
Ayon pa sa kanya, Lately, we’ve been mentally tougher and we’ll need to be that strong if we want to have a chance against a six-time champion”.
Tulad ni Coach Carlo Tan, unang labas pa lang ni Coach Glenn Capacio sa Finals.
Ayon sa kanya, maituturing na underdogs sila sa serye. “Without our national players, we’re the weakest team in the franchise history of Harbour Centre.”
Ngunit para ipagtanggol ang korona, pipigain ni Capacio ang husay ng mga beterano at baguhan ng tropa para paigtingin ang kampanya ng kampeonato.
Para mapunan ang kawalan ng grupo nina Barroca, Mac Baracael, Aldrech Ramos at JR Cawaling na kabilang sa RP developmental team na lumipad na patungong Japan, desidido si Capacio na palabasin ang natatagong galing ng kanyang mga bata.
Kampante si Team Manager Erick Arejola na hindi bibiguin ng mga beteranong sina Rico Maierhofer, Jerwin Gaco, Edwin Asoro at Benedict Fernandez ang kani-lang mga taga sunod na makamit ang ikapitong kampeonato
Sa paghaharap na ito, inaasahang magsa-salpukan para sa shootout sina Fernandez at Francis Allera habang aabangan rin ang pasikalaban sa pagitan ng Fil Am guards na sina Chris Ross ng Pharex at Chris Timberlake ng Oracle.
Ayon kay Capacio, Isang malaking tinik ang 6’1 guard na si Ross ma-tapos bumulsa ng triple double performances kabilang ang iskor nito nang dispatsahin ang Licealiz.
“ He’s quick, creative and has a good leaping ability. We have to stop him at all cost to win the championship,”
Samantala, alinsunod sa taunang pagtatapos ng liga, pararangalan ang mga manlalaro at coaches na nagpakitang gilas at nagbigay sigla sa torneo ngayong taon.
Sa pamumuno ni PBL Commissioner Chino Trinidad, pararangalan ang Academic All-Star, Fan Favorite, Quantum Leap, Quotable Coach, Defensive Stopper at Instant Impact.
Samantala, tatlo sa pinakamagagaling na guard ng liga ay maglalaban-laban para sa Rookie Award ng PBL PG Flex Unity Cup na ipagkakaloob sa pagsisimula ng Final season.
Taglay ang ibat’ibang istilo ng laro, hindi matatawaran ang husay nina Chris Ross ng Pharex, Paul Lee ng Cobra Energy Drink at Mark Barroca ng mabagsik na Oracle Residences. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending