^

PSN Palaro

Makapambarako pa kaya ang energy boosters?

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Mahirap kung sa mahirap. Pero puwede namang mangarap, hindi ba?

Iyan ang sitwasyon ng Barako Bull na makakaharap ng natalo sa playoff ng Barangay Ginebra at Rain or Shine kagabi.

Kailangang magwagi nang dalawang sunod ang tropa ni coach Leo Isaac kasi nga may twice-to-beat na bentahe ang kanilang katunggali. Kumbaga’y “one miss, you die!” ang sitwasyon.

No margin for error.

Mahirap isipin, e. Kasi 2-12 ang record ng Barako Bull sa classification round. Ang nakakataba nga lang ng puso’y ang pangyayaring ang dalawang tinalo ng Energy Boosters ay ang mga naglaban sa Finals ng nakaraang Philippine Cup.

Unang biniktima ng Barako Bull ang Alaska Milk, 92-90 noong March 8. Isinunod nila ang Talk N Text, 135-133 noong Marso 22.

Pagkatapos ay hindi na nakatikim pa ng panalo ang Energy Boosters. Kahit pa nagpapalit-palit sila ng imports.

Ang dalawang panalo ay nairehistro nila noong si Cornelius “Scooter” McFadgon pa ang import nila. Si McFadgon ay hina-linhan ni dating Coca-Cola import Jeff Varem na pinalitan din ni Daryan Selvy.

Nitong nakaraang linggo ay nagpaalam si Selvy at sinabing namatay ang kanyang lola kung kaya’t kailangan siyang umuwi sa Estados Unidos. E, alam naman nating lahat na kapag ganon ang paalam ng isang import o manlalaro, tiyak na pagbibigyan siya ng kanyang koponan.

So umuwi si Selvy at kumuha ng pang-apat na import ang Barako Bull sa katauhan ni Jamal Williams na dati na ring naglaro sa Coca-Cola. Si Williams ang siyang sasandigan ng Energy Boosters sa wild card phase. Puwedeng isang game lang siya pakinabangan. Puwedeng higit doon kung sakaling he will make a big impact.

Hindi pa naman tapos ang season para kay Isaac, e. Pero siyempre, sa ngayon ay maraming nagsasabing disappointing ang kanyang unang stint bilang head coach sa PBA. Hinalinhan niya si Yeng Guiao bilang coach ng Barako Bull matapos na ipamigay ng team na ito ang mga superstars at itira ang mga role players.

Pero sure naman tayo na may sense of fulfillment si Isaac sa kanyang unang attempt bilang head coach. Iyon naman ang pangarap ng kahit sinong coach, e.

Makarating sa PBA. Sampu lang ang mga coaches na pinagpalang humawak ng isang professional team sa kasalukuyan. At isa si Isaac sa mga iyon.

May dalawang conferences pa namang natitira sa kanyang kontrata at kung sakaling magtutuluy-tuloy nga ang Barako Bull sa PBA, may pagkakataon pa si Isaac na maipakita kung ano talaga ang puwede niyang gawin sa isang kumpletong koponan.

ALASKA MILK

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA

DARYAN SELVY

ENERGY BOOSTERS

ESTADOS UNIDOS

JAMAL WILLIAMS

JEFF VAREM

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with