^

PSN Palaro

Sembrano una sa Padyakan sa Batangas Eh!

-

LIAN, Batangas, Philippines - Sinamantala ni Renato Sembrano ang ibi-nigay sa kanyang pagkakataon para maangkin ang karangalan sa first lap ng Padyakan sa Batangas Eh! 2009 na nagsimula sa bayan ng Laurel at nagtapos dito kahapon. 

Kasamang humabol sa breakaway group ng mga bigating mga siklista na kina-bibilangan nina Tour 2-time champion Warren Davadilla, Tour of Luzon at Padyak Pinoy back-to-back King of the Mountain Baler Ravina at Lloyd Lucien Reynante, inungusan ng 28-anyos na si Sembrano si Tomas Martinez ng Road Bike Philippines sa pagtawid sa finish line upang makamit ang premyong P5,000.

 Nauna rito, naiwan kasama ng ikatlong grupo papasok sa lungsod ng Lipa, kumalas si Sembrano, tubong Mangaldan, Pangasinan at winner din ng unang lap ng nakaraang Padyak Pinoy 2009 Tour of Champions sa naturang grupo hanggang sa nakahabol sa lead group.

 Tinapos ni Sembrano ang 160 kilometrong lakbayin sa loob ng apat na oras, 19 na minuto at 49.81 segundo, parehas na oras na ibinigay kay Martinez na siyang nag-uwi naman ng ikalawang lap prize money na P3,000.

 Pumangatlo naman sa kanila si Atilano, na naorasan ng 4:20:28.42. para maiuwi ang premyong P2,000 na kani-lang tinanggap kay Lian Mayor Rosita Vergara.

Tumapos namang pang-apat ang tinaguriang “Adopted Son” ng bayan ng Lian na si Baler Ravina na naorasan ng 4:20:42.84, panglima si Reynante at pang-anim si Davadilla  na nabigyan din ng kahalintulad na oras habang pampito naman si Millanes na naorasan ng 4:23:00.92 at pangwalo si Diamsay na nabigyan ng parehas na oras na gaya ni Millanes.

ADOPTED SON

BALER RAVINA

BATANGAS EH

KING OF THE MOUNTAIN BALER RAVINA

LIAN MAYOR ROSITA VERGARA

LLOYD LUCIEN REYNANTE

MILLANES

PADYAK PINOY

RENATO SEMBRANO

ROAD BIKE PHILIPPINES

SEMBRANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with