^

PSN Palaro

Titular showdown isasaayos ng Oracle at Pharex

-

MANILA, Philippines - Aalisin na ng Oracle Residences at Pharex ang anumang balakid sa kanilang kampanya upang maisaayos ang titular showdown sa pagtangka nilang makamit ang panalo kontra sa kani-kanilang kalaban sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2009 PBL PG Flex Unity Cup sa San Juan gym.

Bigo noong nakaraan, umaasa ang Oracle Titans na magtatagumpay na sila ngayon kontra sa Cobra Energy Drink sa pang-alas-4 ng hapon bakbakan.

Binigo ng Energy Warriors ang Titans sa kanilang tangkang sweep sa best-of-five series nang maisahan sila nito sa pamamagitan ng 92-88 panalo sa Game 3 noong Martes.

“Oracle took us lightly and we took advantage of that,” ani coach Lawrence Chongson.

Gayunpaman, ang Pharex ang mas may pagkakataon na makuha ang unang finals berth sa pakikipagharap ng Bidang Generix sa Licealiz Hair Doctors sa alas-2 ng hapon.

Makaraang matalo sa opening ng kanilang serye, sumandal ang Bidang Generix sa impresibong performance ng kanilang Fil-Am cager na si Chris Ross upang malusutan ang HairDoctors sa overtime sa Game 3, 85-76, at kunin ang 2-1 abante.

“For us to advance to the finals, we have to stick to our gameplan. We have to be aggressive,” wika ni Pharex coach Carlo Tan. “But I know they will make some adjustments, so we have to be ready.”

Muling babanderahan ni Ross, na naglista ng muntik ng triple-double performance na 21 puntos, 12 rebounds at 9 assists, ang Pharex katulong sina Ronnie Matias, Francis Allera at Ian Saladaga.

At para naman makapuwersa ng sudden death ang Licealiz, kailangang kumayod ng doble sina dating UAAP MVP Jervy Cruz at James Sena sa depensa gayundin si Josh Vanlandingham na kailangang uminit muli ang mga mga kamay para sa opensa. (Sarie Nerine Francisco)

BIDANG GENERIX

BUT I

CARLO TAN

CHRIS ROSS

ENERGY WARRIORS

FLEX UNITY CUP

FRANCIS ALLERA

IAN SALADAGA

PHAREX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with