MANILA, Philippines – Bumaba ang morale ng nagdedepensang Ateneo OraCare matapos malugmok sa kabiguan sa laban nila ng Far Eastern University at igupo ng Lady Tamaraws, 25-22, 25-22, 25-22 para ilusot ang kauna-una-hang quarterfinal apperance sa Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City.
Pinagpaguran ng Lady Tams na palakasin ang depensa at paigtingin ang opensa para makamit ang importanteng panalo.
Sa 5-2 kartada, tinapos ng FEU ang single round elims ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza, kasama ang early qualifiers na Santo Tomas at San Sebastian na kapwa may 5-1 rekord.
Malungkot na umuwi ang Lady Eagles na kinulang sa panalangin matapos wakasan ng FEU ang OraCare sa three set win ng torneong inorganisa ng Sports Vision.
Ang pananaig ng Lady Falcons (4-2) ang maglalaglag sa Eagles, ngunit kapag namayani ang pwersa ng San Sebastian, tutulak ang salpukang Ateneo-Adamson play-off para sa last quarter seat sa Linggo.
Para sa FEU, bumida si Maica Morada na pumalo ng 15 hits, habang kapwa nag-ambag ng 13 points sina Shaira Gonzales at guest player Mayette Carolino.
Bumulsa rin si FEU mainstay Rachel Anne Daquis ng 11 hits produksyon. Sa mahigpit na depensa ni Thai Keawbundit Sontaya, napigilan ng depensa ng Tams ang paggawa ng Eagles.
Kumana naman si Kara Acevedo ng 8 hits at pumalo ng 6 points si alumna Charo Soriano.
Sa ikalawang laro, pinatatag ng UST ang kanilang koponan sa quarterfinals sa pamamagitan ng 25-10, 20-9, 25-15 pananalasa sa St. Benilde. (Sarie NerineFrancisco )